Centenarian sa Camalig, Albay, nakatanggap ng cash gift mula sa LGU

Isang centenarian o 100 years old na lola sa bayan ng Camalig, Albay ang nakatanggap ng cash gift na PHP100,000 mula sa lokal na pamahalaan.

Kinilala itong si Rumualda G. Nogot na residente ng Brgy. Libod ng nasabing bayan.

Ang pagbibigay ng cash gift ay alinsunod sa RA 10868 o ang “Centenarians Act of 2016” kung saan ang pamahalaan ay kinakailangang magbigay ng nasabing halaga ng pera sa lahat ng mga Pilipinong umabot sa 100 taong gulang, nakatira man sa Pilipinas o abroad.

Ang pagbisita kay Nogot ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *