Nangunguna umano ang Central Luzon sa may pinakamataas na kontribusyon sa suplay ng sibuyas sa bansa.
Base sa datos ng Department of Agriculture Central Luzon, umaabot umano sa 55% ang naisusuplay ng rehiyon.
Kaugnay nito para mas matiyak ang maayos at seguridad sa produksyon ay patuloy ang pagbuo ng Kagawaran ng mga programang naka-angkla sa pagpapalawig ng taniman ng sibuyas.
Noong nakalipas na Linggo ay matagumpay na naidaos ang Onion Harvest Festival sa Bacolor, Pampanga.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: DA CENTRAL LUZON
