Ceremonial Turn-Over ng mga Logistical Equipment, isinagawa kasabay sa pagbisita ng Regional Director ng Police Regional Office 5 sa CNPPO

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng pag turn-over ng mga Logistical Equipment kasabay sa pagbisita ng Regional Director ng Police Regional Office 5 sa CNPPO na si PBGen Westrimundo D Obinque nitong nakaraang May 3, 2023

kung saan dalawang mobile patrol car ang inisyu para sa Paracale at Talisay MPS, Apat (4) na patrol motorcycles naman ang inisyu sa Jose Panganiban, Talisay, Paracale at San Vicente MPS.

GALIL na may kasamang mga bala at magazines, NEGEV (5.56),  Tactical Vest with upgraded plates at ballistic helmets ang inisyu para sa 1st and 2nd Provincial Mobile Force  Company.

Maliban sa mga nabanggit ay nabigyan din ang CNPPO ng apat na Acer Desktop Computers na kumpleto ng accessories at apat (4) na printer.

Nilinaw naman ni PBGen. Westrimundo Obinque na hindi umano sa kanya galling ang mga naturang kagamitan kundi sa buwis ng taong bayan

Liban dito, hinikayat din niya ang lahat ng kapulisan na ipagpatuloy ang pagsusumikap na magsilbi para sa kapayapaan at seguridad ng mamamayan at ng buong probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *