Championship parade ng Warriors sa San Francisco, dinagsa ng mga fans

Hindi magkamayaw ang mga basketball fans sa isinagawang parada ng Golden State Warriors matapos masungkit ang 2022 NBA Championship.

Nagtiyagang maghintay ang mga maraming tao sa gilid ng mga lansangan ng San Francisco para masilayan ang mga players ng GSW.

Game naman sina Draymond Green, Shawn Livington, Gary Payton at pati si coach Steve Kerr na makipag high five sa mga fans na nag-abang sa kalsada.

Hiyawan naman ang sumalubong kay 2022 NBA Finals MVP Steph Curry.

Una nang tiniyak nang San Francisco police na prayuridad nila ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa isinagawang celebratory parade.

Nabatid na ito ang unang NBA championship parade ng GSW sa San Francisco matapos ang itong lumipat mula sa Oakland na naging home city nito sa loob ng 48-taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.