Checking at validation ng test papers ng mga aplikante ng Sulay sa Futuro Scholarship ng City Government, sinimulan na

Matapos ang matagumpay na tatlong araw na pagsusulit ng mga mag-aaral noong Hulyo 14-16, 2023, para sa Sulay sa Futuro Scholarship Program, sinimulan nang i-check ang mga sinagutang papel ng mga mag-aaral na nag-apply sa nasabing programa.

Nagsilbing taga obserba upang bantayan ang masusing pagwawasto sa examination paper ng mga aplikante at upang matiyak na maayos, tapat at patas ang gagawing checking and validation ng mga test papers sina City Administrator Atty. Mark Gerald Guirindola, Sulay sa Futuro Program Manager at City General Services Office Head Gerald Maligaso, at City Public Information Officer-in-charge John Erick Sipoy.

Ang Sulay sa Futuro Program ay bahagi ng malawakang 10 plus 1 plus 1 agenda ng City Government na nakatuon sa edukasyon at pagbibigay-kakayahan sa mga kabataan kung saan layuinin nito na sa pamamagitan ng academic scholarship ay matulungan ang mga estudyante sa kolehiyo sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral at maihanda sila upang maging mga lider ng kumunidad sa hinaharap.

Ang checking and validation activity ay pinapangasiwaan ng Barangay Affairs and Public Assistance Section o BAPAS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *