Pumalag ang Commission on Higher Education o CHED hinggil sa “misleading report” daw ng isang malaking pahayagan.
Sa statement na inilabas ng Komisyon, sinabi ni Chairman Prospero de Vera na walang katotohanan ang pahayag ng Philippine Star na walang malinaw at substantive evidence ang binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA na nasa 52 Higher Education Institutions o HEI ang kabilang sa world university ranking.
Ayon sa CHED, ang ibinigay nilang data sa Pangulo ay batay sa mga nai-publish na ulat ng Quacquarelli symonds, Times Higher Education at ng World University Rankings for Innovation o WURI.
Hinimok rin ni de Vera ang publiko na suriing maigi ang mga natatanggap na impormasyon, lalo na raw sa mga nagpapakilalang “fact-checkers”.
Sa huli sinabi ng opisyal na magkaisa na lang daw na ipagmalaki ang tagumpay ng bawat Pilipino.
#