Chemical engineering student sa U.P –Diliman, nag viral matapos na makakuha ng flat 1.000 na GWA

“SANA ALL FAVORITE NI LORD!!”

Iyan ang biro ng mga netizens online, matapos na mag viral sa social media ang first year Chemical Engineering student na si Sachika Azumi Saguisa dahil sa nakuha nitong “FLAT UNO” na grado sakanyang unang taon ng pag-aaral sa University of the Philippines – Diliman.

Hinangaan at talagang napa “wow” ang mga netizens matapos na i-post ng organisasyong Gabay Isko ang mga grado ni Sachika sakanilang facebook page at kalaunan ay nag viral ito.

Ayon kay Sachika, masaya siyang marami ang natuwa sakanyang achievement ngunit nadagdagan raw ang kanyang pressure lalo na at ikinumpara siya ng mga tao kay Tiffany Uy na nag viral din noong 2017 matapos na makuha ang pinakamataas na GWA sa history ng U.P matapos ang World War 2.

Pabirong tinawag ng mga netizens ang dalaga bilang St. Sachika habang ang iba naman ay nag imbento pa ng dasal ng pagsusumamo sakanya, katulad na lamang ng mga katagang

“Aba binibining Sachika Azumi Saguisa, napupuno ng uno ang iyong mga marka. Lubos kang pinagpala sa talino at ganda. Gabayan mo sana lahat ng bobo saating bansa.” ### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *