Cherry Pie at Edu, patuloy ang pamamasyal nang magkasama sa U.S.

Patuloy na nagbabakasyon na magkasama ang veteran stars na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano sa Estados Unidos.

Nitong Sabado lamang ay nagbahagi ang aktres ng mga bagong larawan ng kanilang byahe sa Winter Haven ng Folirdo, kung saan ay makikita sina Picache at Manzano na nakasakay sa isang cruise.

Makikita sa isang litrato na magkatabi ang dalawa habang pinapanuod ang sunset.

Sa isang larawan naman ay makikita na nakasandal ang kanilang mga ulo nang malapit sa isa’t-isa habang nakapikit ang kanilang mga mata.

Matatandaan na dati nang namasyal ng magkasama sina Manzano at Picache sa New York at Seattle kasama ang iba’t-ibang grupo ng mga kaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *