Chicken nuggets na sing hugis ng karakter sa larong “Among Us” naibenta online sa halagang $100,000

Aakalain mo ba na ang kapirasong laman ng manok na binalot sa egg mixture, harina at breadcrumbs o mas kilala sa tawag na “chicken nuggets” ay maaaring maibenta sa halagang $100,000 o katumbas ng P4,770,000?

Hindi ito imposible dahil ang isang pirasong chicken nugget na likha ng isang kilalang fast food chain, ay naibenta online sa isang auction sa nasabing halaga.

Ayon sa ulat, ang naturang nuggets ay hugis na tila isang karakter sa sikat na mobile game na “Among Us” at ibinenta through online ng seller na may username na “polizna” sa online shopping at e-commerce company website na “eBay”

Napansin ito ng official twitter account ng Among Us at i-pinost ng admin nito ang link ng site kung saan ipinasusubasta ang chicken nugget kaya mas maraming netizens ang nag bid para dito.

Nagsimula sa 99 cent ang halaga ng bid para sa kapirasong nugget ngunit tumaas ng tumaas ang bidding price nito na umabot nga ng halos $100,000 ang presyo nito at nabili ng isang hindi pa nakikilalang buyer.

Bagama’t nasa 14 na araw lamang ang itatagal nito, siniguro ng seller na si polizna na maide-deliver ito sa tamang oras patungo sa buyer na may haka-hakang avid fan umano ng mobile game na “Among Us”. || JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *