Chief of hospital umapela sa mga nurses na huwag munang mag-resign

KORONADAL CITY- UMAPELA si Dr. Conrado Braña, chief ng South Cotabato Provincial Hospital (SCPH) at designated chief ng mga government hospitals sa lalawigan sa mga nurses na huwag munang mag-resign lalo’t kulang na ang manpower ng mga ospital sa gitna ng COVID 19 surge.

Ayon kasi kay Braña na marami ang nagre-resign upang magproseso ng kanilang mga papeles sa pagtatrabaho abroad, at mayroon ding nagresign dahil sa pagod at gusto na munang magpahinga.

Ngunit nanawagan si Braña sa mga nurses na may planong mag-resign na sana ay huwag nang mang-engganyo pa ng kanilang mga kasamahan na magresign din dahil kailangan ngayon ng mga hospitals ng sapat na manpower.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hiring ng South Cotabato Provincial Hospital at iba pang mga ospital sa lalawigan ng dagdag na mga healthworkers.

Samantala, pinasalamatan at pinuri naman ni Braña ang patuloy na paglilingkod ng mga doctor, nurses at lahat ng healthworkers at sakripisyo ng mga ito sa pakikipaglaban sa pandemya.

Nagpasalamat din ito dahil ang mga healthworkers sa lalawigan ay hindi umano katulad ng mga healthworkers sa Metro Manila na nagsasagawa ng mga kilos-protesta at mass resignation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *