NAGA CITY –Puspusan ang ginagawang vaccination ng mga personahe ng City Health Office sa mga sanggol at mga batang bahagi ng programang Chikiting Ligtas Vaccination Activity ng Department of Health.
Sa datus ng city health office nasa 12,296 pa lang nababakunahan mula sa populasyon ng mga bata na 46,171,na ngangahulugan na halos nasa 26% pa lamang ito.
Ang bilang na ito ay mula May 2 hanggang May 10 pa lamang.
Inaasahan na nadagdagan na ito dahil sa araw-araw naman ang vaccination sa dalawang mall sa lungsod at sa mga barangay health center o covered court.
Ang may pinakamaraming nabakunahan na sa 9-59 months ay ang Barangay Concepcion Grande na umabot na sa 1,252, samantalang sa 0-59 months ay ang Barangay Concepcion Pequeña na 801 na. Ito ay para sa Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine o MR OPV.
Masyado pang napakababa ang mga datus na ito kung pagbabatayan ang deadline ng bakunahan na matatapos ngayong May 31.
Ang Naga City at Camarines Sur kabilang sa may mababang bilang sa bakunahang ito ayon na rin sa ulat na inilabas ng DOH Regional Office 5.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…