Child Labor sa Pili, Camarines Sur naibsan

NAGA CITY – Halos wala nang naitatalang Child Laborer o mga batang mangagawa sa bayan ng Pili, Camarines Sur sa kabila ng pagdami nito sa buong bansa.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Municipal Acting Mayor Francis Belen.

Sa huling datos ng Philippine Statistic Authority na inilabas ngayong 2023, umabot ng 1.37 milyon ang mga batang naitalang nagtatrabaho noong 2021 at karamihan ay nasa agrikultura.

Ayon kay Acting Mayor, istrikto ang nagiging monitoring nila maging sa mga establesimento sa koordinasyon ng Department of Trade and Industry at Philippine National Police.

Malaking bagay din ang naging estratehiya na mailapit sa mga Sitio ang paaralan upang maka-tutok sa pag-aral ang mga bata lalo na’t tuloy ang kampanya ng bayan na lahat ng mga bata ay dapat na nag-aaral.

Malaki rin ang naging tulong ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na programa ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)  dahil nabigyan ang mga magulang ng pagkakataon na mapa-aral ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga ayuda at asistensya. Halos bumaba na rin ang drop-out rate sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *