Nagsasagawa ng Information Awareness Campaign ang Floridablanca Municipal Council for the Protection of Children o MCPC at Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO, sa mga paaralan hinggil sa pang-aabuso sa mga kabataan.
May tema itong: “Sekswal na Pang-aabuso’y Labanan! Mga Bata’y Proteksyunan at Alagaan!”
Layunin ng Pamahalaang Lokal na protektahan ang mga kabataan laban sa kapahamakan at maiwasan na makaranas sila ng anumang uri ng pang-aabuso partikular ang sekswal na pang-aabuso.
Sa paraan ring ito ay nabibigyan umano ng kapanatagan ang mga magulang lalo na kung nasa eskwelahan ang kanilang mga anak.
