China ang trespassing hindi ang Pilipinas – Lorenzana

Nanindigan ang Pilipinas na hindi tatanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na nagsisilbing military outpost ng mga sundalong Pilipino.

Ito ay matapos sabihin ng Chinese foreign ministry na dapat tuparin ng Pilipinas ang pangako nito noon na tatanggalin ang naturang barko sa lugar.

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, wala siyang natatandaan na nangako ang bansa na i-pullout ang BRP Seirra Madre.

Paliwang ni Lorenzana, taong 1999 pa ay nasa Ayungin na ang barko na sakop ng 370-kilometer exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Iginiit din ng kalihim na walang dayuhan na makapagdidikta sa mga gusto nating gawin sa ating teritoryo at kung mayroon man trespassing ito umano ay ang China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *