China, balakid sa joint oil exploration sa West Philippine Sea – Marcos

Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad nang maisakatuparan ang minimithing joint oil exploration ng Pilipinas katuwang ang China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pangulong Marcos, handa na ang bansa para sa naturang proyekto na aniya’y magbibigay ng immediate development sa langis at natural gas mula sa pinag-aagawang teritoryo.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa gitna ng kanyang pangamba na hindi matuloy ang naturang government-to-government partnership dahil sa ilang roadblocks o balakid.

Ayon kay Marcos, isa sa mga nakikita niyang balakid sa joint oil exploration ay ang patuloy na paggiit ng China na sila ang nag-mamay-ari sa teritoryo.

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na gagawa siya ng iba pang mga paraan para matuloy ang aktibidad lalo na’t mahalaga ito sa Pilipinas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *