China, binigyan ng sanctions si Pelosi matapos ang Taiwan visit

Inanunsyo ng China’s foreign ministry na pinatawan nila ng sanctions si US House Speaker Nancy Pelosi, matapso ang ginawang pagbisita nito sa Taiwan, na nag-udyok ng pagkagalit at show of military force mula sa Beijing.

Ayon sa ministry, seryosong nakikialam si Pelosi sa China’s internal affairs at labis na minamaliit ang China’s sovereignty at territorial integrity dahil sa kanyang ginawang trip.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang ministry, pero nabatid na kasama ang immediate family ni Pelosi sa naturang sanctions.

Una nito, noong Marso nito taon, nagpatupad ang Beijing ng visa restrictions sa undisclosed list ng mga opisyal ng United States, na gumagawa umano ng kasinungalingan kaugnay sa human rights issues na kinabibilangan ng China.

Sina dating US secretary of state Mike Pompeo, maging si Peter Navarro — na trade adviser ni dating president Donald Trump ang kabilang sa mga natamaan ng naunang waves ng sanctions, at pinagbabawalang makapasok sa China, at magsagawa ng business sa Chinese entities.

Leave a Reply

Your email address will not be published.