China, gumaya sa PCG sa paglatag ng sarili nilang boya sa WPS

Matapos ang pagi-install ng limang karagdagang boya ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea – gumaya rin ang China at naglagay din sila ng sarili nilang markers.

Inanunsyo ng China ang paglalagay nila ng tatlong light buoys sa bahagi ng Spratly Islands, ‘o kung tawagin ng China ay ‘yung ‘Nansha Islands’.

Ayon sa Chinese Transportation Ministry – ini-install ang mga ito sa Irving Reef, Whitsun Reef, at sa Gaven Reef.

Anila, ito raw ay bilang bahagi ng kanilang safety navigation at maritime operations.

Sa hiwalay na pahayag – dumipensa ang Chinese Embassy in Manila at sinabing naaayon pa rin ito sa batas at sa international maritime laws.

Ito ay kahit na malinaw na ang Spratlys ay pasok na sa West Philippine Sea sa loob ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ). //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *