China, handang makipagtulungan sa Marcos administration re: WPS joint exploration

Handa umano ang China na muling makipagnegosasyon sa susunod na administrasyon para buksang muli ang usapan hinggil sa joint exploration sa West Philippine Sea.

Ito ay makaraang ianunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin na ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termination sa agreement sa joint oil projects sa pagitan ng Manila at Beijing sa mga pinagaagawang teritoryo.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin na tuloy pa rin ang kanilang hangarin na makamit ang isang agreement na magbe-benifit sa dalawang partido.

Naniniwala umano ang China na ang joint oil and gas development sa West Philippine Sea ang tanging ‘win-win’ solution para mahinto na ang girian ng mga claimants.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.