China, iginiit na nanatiling kalmado sa Ayungin Shoal sa kabila ng laser incident ng CCG sa PCG

Inilarawan ng Beijing ang sitwasyon sa pinag-aagawang Ayungin Shoal bilang generally “calm,” sa kabila ng laser incident kamakailan sa pagitan ng Chinese at Philippine coast guards.

Kaugnay nito, nagsimula narin umano ang pag-uusap ng mga foreign ministries ng parehong bansa kaugnay sa naturang usapin.

Ito ang sinabi ng Chinese Foreign Ministry, matapos maghain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China kaugnay sa pag-gamit ng military-grade laser ng CCG laban sa PCG noong nakaraang linggo.

Sa gitna nito, muling binigyang diin ni Wang Wenbin, spokesperson ng Chinese Foreign Ministry na ang ginawa ng China Coast Guard ay professional at restrained.

Samantala, iginiit ni Wang ang posisyon ng China na ang 2016 arbitral ruling sa The Hague, “illegal, null and void.” (PCG PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *