China, inakusahan ang Pilipinas sa panibagong insidente sa WPS

               

Inakusahan ng China ang isang barko ng Pilipinas sa pagharang umano sa dinaraanan ng kanilang coast guard.

Pinapatigil din ng China ang Pilipinas sa mga ginagawa nitong dangerous moves sabay ang akusasyon na nanadya ang Pilipinas at naninira.

Naglabas din ng sariling video footage ang China na ipinapakita na ang Pilipinas ang sumubok na bumangga sa barko ng China Coast Guard.

Taliwas iyan sa video na inilabas ng Armed Forces of the Philippines Public Affairs.

Mariin namang kinondena ng Pilipinas ang mga akusasyon ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *