China, inaprubahan ang Sinovac COVID-19 vaccine para sa emergency use sa mga bata na edad 3-17

Nabigyan ng emergency use authorization ang COVID-19 vaccine ng Sinovac para sa mga indibidwal na edad tatlo hanggang 17-taong gulang sa China.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Sinovac na ang Coronavac ay nagamit na sa mga bata mula nang matanggap nito ang unang emergency use approval noong May 28.

Ayon sa Sinovac, base sa resulta ng Phase II clinical study nito sa 180 volunteers sa nasabing age group ay lumabas na tatlong buwan matapos ang dalawang doses ng bakuna, ay pumalo sa 98.9% at 100% ang seroconversion rates para sa low doses group at medium doses group.

Dagdag ng kompanya, indikasyon ito na taglay ng CoronaVac ang stable at mabuting immunogenicity mula sa mga bata at adolescent population.

Samantala, inihayag rin ng Sinovac na aprubado na ang CoronaVac para sa mga indibidwal na edad 12-17 taong gulang sa Indonesia ngayong June.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *