Ipinamalita ng China na ‘di umano’y tinaboy nila ang barko ng Philippne Navy sa Scarborough Shoal.
Patuloy pa rin nilang idiniriin na pagma-may-ari nila ang teritoryong sakop naman ng West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Coast Guard spokesperson Gan Yu – ginawa nila ang mga ‘necessary measures’ at hinikayat pa ang Pilipians na itigil daw ang violation sa kanilang teritoryo.
Samantala, ‘propaganda’ lang ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Romeo Brawner Jr. ang naturang ulat.
Itinanggi ni Gen. Brawner ang umano’y pagtaboy at sinabing gusto lamang ipakita ng China sa kanilang internal audience na may ginagawa sila.
Nilinaw ni Gen. Brawner na walang pwersa ang Philippine Navy sa bahagi ng Scarborough Shoal, at tanging ang Philippine Coast Guard lang ang may presensya sa lugar.