China, itinagging nakialam sa halalan sa Canada

Itinanggi ng China ang mga alegasyon na nanghimasok ito sa federal elections ng Canada.

Ang pahayag ng China ay kasunod ng isang ulat mula sa The Globe and Mail newspaper, na binanggit ang mga confidential intelligence documents, na nagsabing nakialam ang Beijing sa federal elections noong 2021.

Gumamit umano ang China government ng mga diplomats at proxy para pamunuan ang disinformation campaigns na naglalayong palakasin ang ilang kandidato ng liberal party na itinuturing na mas pabor sa Beijing laban sa kanilang Conservative rivals.

Ayon sa China ang mga akusasyon umanong ito ay makakasira sa pagkakaibigan at interes ng mga mamamayan sa parehong bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *