China, itinanggi na may nakatutok umanong mga missile sa Pilipinas

Pinasinungalingan ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning na may plano ang China na gumamit ng hypersonic missiles sa Pilipinas.

Giit ni Mao hindi niya alam kung saan nakuha at nanggaling ang naturang impormasyon pero ang malinaw aniya na nais ng China na magkaroon ng mapayapang pagkakaisa sa rehiyon.

Mababatid na nagpahayag ng pagkabahala  si Sen. Imee Marcos sa natanggap umano niyang impormasyon na may mga tinatawang na hypersonic missiles ang China na nakaumang umano sa Pilipinas.

Pero sinabi ng National Security Council at Department of National Defense wala silang na mo-monitor na anumang banta sa seguridad ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *