China Mobile stocks bumagsak matapos abandonahin ng mga investors

Inabandona ng mga investor ang nasa 756 million yuan o tinatayang $121 million na halaga ng shares sa China Mobile dahil sa umano’y pagkadismaya sa performance ng China Telecom.

Batay sa A-share IPO results na inilabas ng naturang kompanya 12.91 million o katumbas ng 743 million yuan (tinatayang $119 million) ang unpaid A shares online trade ng China Mobile.

Habang ang bilang ng unpaid offline trade ay mahigit sa 220,000 shares, na katumbas ng 12.7 million yuan (tinatayang $2.03 million).

Nabatid na ang China Telecom, ay may 40 percent stake sa Dito Telecommunity Corp., ang third telco player sa Pilipinas.

May kabuuan itong 756 million yuan (tinatayang $121 million), na mas mataas sa 653 million yuan o tinatayang $100 million na naunang iniulat mula sa China Postal Savings Bank Co., Ltd. (601658.SH) noong Dec. 2019, kaya isa itong bagong rekord.

Noong November 12, 2020 pinatanggal ni noo’y U.S. President Donald Trump ang China Mobile, China Telecom (00728.HK), at China Unicom (00762.HK) ang top three telecom operators ng China na New York Stock Exchange via Executive Order 13959.

Batay sa kautusan, ang Office of Foreign Assets Control (OFAC) ng U.S. Department of the Treasury ay nag-isyu ng liham sa NYSE noong Jan. 5, 2021, na nagbibigay-linaw na matapos ang 9:30 a.m. Eastern Standard Time sa Jan. 11, 2021, ang mga mamamayan sa U.S. ay hindi na maaaring magkaroon ng stock transactions sa naturang mga kompanya.

Noong Jan. 6, 2021 ay ipinatupad ng NYSE ang delisting procedure para sa tatlong telecom operators.

Pagkalipas ng dalawang linggo ay nagsumite ang China Mobile ng written request sa NYSE para sa reconsideration subalit ibinasura ito noong May 6, 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *