Nag-deploy ng 71 warplanes ang China sa weekend military exercises sa paligid ng Taiwan, ayon sa defense ministry ng Taipei.
Sinabi ng People’s Liberation Army na nagsagawa sila ng “strike drill” bilang tugon sa hindi tiyak na “provocations” at “collusion” sa pagitan ng United States at ng self-ruled island.
Sa data mula sa Taiwan’s defense ministry , nagpakita na ang mga drills na iyon ay isa sa pinakamalaki mula noong nagsimula silang maglabas ng mga pang-araw-araw na tallies.
Sa isang post sa Twitter, sinabi ng Taiwan na 60 fighter jets ang nakibahagi sa drills, kabilang ang 6 na Su-30 warplanes, ilan sa pinaka-advanced ng China.
Bukod dito, 47 sa mga sorties ang tumawid sa air defense identification zone ng isla, ang ikatlong pinakamataas na pang-araw-araw na paglusob na naitala, ayon sa database ng AFP.//CA
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…