China, nag-relax ng testing rules sa COVID-19

Muli nang nagbukas ang mga negosyo at nag-relax sa mga testing requirements ang Beijing at iba pang lungsod sa China matapos ang kabilaang protesta kamakailan sa buong bansa.

Sinimulan ng mga lokal na awtoridad sa buong China ang pag-rollback ng mga restrictions sa pang-araw-araw nilang buhay sa loob ng maraming taon.

Sa kabisera ng Beijing, maraming negosyo ang muling nagbukas, ang mga commuters mula noong Lunes ay hindi na kailangang magpakita ng negative virus test na kinuha sa loob ng 48 oras upang makasakay ng mga pampublikong sasakyan.

Sa financial hub na Shanghai na sumailalim sa 2-month lockdown ay maarai na rin pumunta sa mga outdoor venues tulad ng mga parke at mga tourists attractions nang wala ng mga Covid-19 tests.

Ang mga awtoridad sa Wuhan, kung saan unang natukoy ang coronavirus noong huling bahagi ng 2019, at Shandong ay tinanggal na rin ang mga kinakailangang testing requirments para sa public transport.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *