China nagmatigas sa pagpapatupad ng lockdown para sa zero-COVID policy

Nagmatigas ang Beijing na baguhin ang kanilang mga lockdown para sa kanilang zero-COVID policy.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pag-usbong ng galit mula sa kanilang mga mamamayan na apektado ng mga ipinatutupad na lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Pinakahuling naging viral sa social media ang video ng isang babae na umiiyak sa balcony ng kanyang bahay.

Napag-alaman na halos kalahating taon nang naka-quarantine ang babae mula nang bumalik ito mula sa unibersidad dahil sa naitatalang kaso sa lugar niya.

Matatandaan na sa kabila ng pagbubukas na ng mga Asian economies at pagluluwag ng ilang COVID-19 restrictions, kabaliktaran naman ang nangyayari sa China.

Kumbinsido naman ang iba na makakaapekto sa rating ni President Xi Jinping ang patuloy na zero-COVID policy lalo pa at marami ang nagsasabi na sa kabila ng mahigpit na policy ay hindi naman talaga nawawala ang mga naitatalang kaso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *