China, nagpakawala ng ‘multiple’ ballistic missiles kasabay ng kanilang drills —Taiwan

Inihayag ng Taipei’s defense ministry na nagpakawala umano ang Chinese forces ng “multiple” ballistic missiles sa karagatang palibot na nasasakupan ng Taiwan.

Dahil dito, kinikondena ng Taiwan ang inilarawan nilang “irrational actions” na nagmamaliit sa regional peace.

Hindi naman kinumpirma ng militar ng Taiwan, ang eksaktong lokasyon kung saan bumagsak ang missiles, o kung lumipad ito sa isla.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ng China’s People’s Liberation Army na mayroong pinaputok na missiles.

Ayon kay Senior Colonel Shi Yi, tagapagsalita ng Eastern Theater Command, na naglunsad ang Chinese forces ng multi-regional at multi-model conventional missile firepower assault sa predetermined waters sa eastern part ng Taiwan Island.

Nabatid na ang naturang hakbang ay bilang retaliation, kasunod ng pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.