China, nagpalipad ng 28 warplanes sa Taiwan Strait kasunod ng pagsasagawa ng kauna-unahang large-scale military exercises ng Beijing

Nagpalipad ng 28 warplanes ang China sa median line ng Taiwan Strait kasunod ng pagsasagawa ng kauna-unahang large-scale military exercises ng Beijing.

Ayon sa Defense Ministry ng Taiwan, ang 28 People’s Liberation Army planes ay kabilang sa 57 na nakita malapit sa Taiwajn kasama ang J-10, J-11, J-16 at Su-30 fighters, H-6 bombers, tatlong drones at reconnaissance aircraft.

Base sa mapa na hawak ng ministry, pinakita na tumawid sa median line ng Taiwan sa pitong lugar mula hilaga hanggang timog ang mga PLA aircrafts.

Inatasan ng Taiwan ang mga sasakyang panghimpapawid nito, sasakyang pandagat at land-based missile systems na tumugon sa mga aktibidad ng China.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *