China, nagtalaga ng $60-M para sa rehabilitasyon ng ‘agriculture sector’ matapos ang pananalasa ng Typhoon Doksuri

NAGTALAGA ng halagang 432-million yuan o katumbas ng $60 million ang China para masuportahan ang rehabilitasyon ng sektor ng agrikultura sa bansa na lubhang naapektuhan ng Typhoon Doksuri.

Batay sa ulat, gagamitin ang naturang pondo para sa muling pagtatanim ng mga crops at pagbili ng mga kagamitan para sa pagpapatuloy ng agricultural production saw along mga agricultural provinces sa lugar, kabilang ang Hebei.

Samantala, sinabi naman ng punong ministro sa nasabing probinsya na ang mga farmlands sa southern Hebei, northern Henan at western Shandong ay nilamon ng tubig baha bunsod ng malawakang pag-ulan bunsod ng bagyo.

Kaugnay nito, nagbigay naman ng babala ang opisyal hinggil naman sa β€˜outbreak’ ng peste at crop diseases matapos ang nasabing kalamidad.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *