China, target ang potensyal na 130-billion barrels ng langis na maaring makuha WPS

Naniniwala si dating senador Juan Ponce Enrile na hindi basta-basta isusuko ng China ang claims nito sa West Philippine Sea lalo na at target nito ang potensyal na 130-billion barells ng langis na pwedeng makuha sa West Philippine Sea

Ayon kay Enrile, posibleng mahirapan ang China kung makukuha ng ibang makakapangyarihan na bansa ang kontrol sa WPS na isang strategic route.

Pero kung mangyayari yan ay naniniwala si Enrile na pwedeng makaranas ang China ng kagutuman, riot, at pagbagsak ng ekonomiya sa loob lamang ng 2 buwan dahil 80% ng kanilang krudo ay dumadaan sa Strait of Malacca.

Samantala, ipinunto naman ni Enrile na maari pang madagdagan ang bilang ng mga teritoryo na pwedeng mawala mula sa bansa kung patuloy na gagalitin ng Pilipinas ang China.

Ginawa ni Enrile ang nasabing pahayag sa televised briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte ilang linggo matapos i-ulat ng National Task Force on the West Philippine Sea na nagkalat ang Chinese militia vessels sa exclusive economic zone ng bansa.

Sinabi ng dating senador na wala nang ibang choice ang bansa kungdi tanggapin ang pakikipag-negosasyon sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *