China’s Foreign Ministry, nanindigang walang katotohanan ang Spratlys reclamation

Muling nanindigan ang Gobyerno ng China na sumusunod sila sa Declaration of Conduct (DOC) na ipinataw sa mga pinag-aaagawang teritory sa West Philippine Sea.

Ginawa ng Foreign Ministry ng China ang pahayag matapos ang iniulat ng Bloomberg na ‘di umano’y mga bagong reclamation at construction activities sa Iroquois Reef and Sabina Shoal sa Spratly Islands.

Sa isang pahayag, naindigan si Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning na walang katotohanan ang ulat na ito.

Anila, kung totoo man daw ang alegasyon ay malinaw itong paglabag sa DOC na napagkasunduan ng China at ng iba pang ASEAN Countries.

Sabi ng opisyal na nasa maayos na momentum daw ang Chinese at Philippine relations at nagpapatuloy ang ‘friendly consultations’ pagdating sa mga maritime issues.

Idiniin din nito na magkaroon ng ‘self-restraint’ sa ASEAN laban sa mga aktibidad na magpapatindi ng tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Bago pa man ito, una nang sinabi ng Chinese Embassy sa Maynila na ‘fake news’ ang ulat ng Bloomberg.

Sa kabila niyan, nag-isyu na rin ng pahayag ang Foreign Affairs Department ng Pilipinas para kundenahin ang naturang isyu.

Nangyari ang alleged reclamation activity sa gitna ng sunud-sunod na reported violations at bullying ng China kabilang na ang pagkukumpul-kumpol ng kanilang vessels, pati na rin ang ‘unsafe encounter’ ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy kung saan ay sapilitan ‘di umano nilang kinuha ang kanilang rocket debris sa West Philippine Sea.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *