Chinese Ambassador to the Philippines at iba pang personahe galing Chinese embassy bisita sa Naga

NAGA CITY โ€“Bisita ng LGUโ€“Naga ang ilang mga personahe ng Chinese embassy kabilang na ang Chinese Ambassador to the Philippines para sa pagpatupad ng ilang mga projects sa lungsod.

May initial na pondo ng naibigay ayon kay City Mayor Nelson Legacion.

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Legacion sinabi nito na malaking bagay ang mga projects na ibibigay ng Chinese government lalo na at ilalagay ito sa housing development area.

May binaggit na ilang lugar ang alkalde kung saan ang mga projects nakatakdang ipatupad.

Anya hindi lang ang Naga City ang may ganitong prohekto mula sa Chinese government kundi maging sa ilang bahagi pa ng Bicol Region.

Paliwanag ng opisyal sayang namang kung hindi ntatanggapin lalo pa at makikinabang ang mga taga lungsod lalo na iyong mga naghihirap.

Ang mga posibleng projects na ipatupad ay kinabibilangan ng mga kalsada, pailaw sa barangay at pagpatayo ng ilang mga building na magagamit bilang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *