Chinese Coast Guard, nagsiga-sigaan na naman sa West Philippine Sea; laser, itinutok sa PCG

Tinutukan ng China coast guard vessel, na may numerong 5205, isang military-grade laser ang barko ng Philippine Coast Guard, BRP Malapascua.

Nangyari ito noong Pebrero 6, 2023 sa Ayungin Shoal, West Philippine Sea.

Sinabi ng Philippine Navy na ang insidente ay nangyari habang sila ay sumusuporta sa isang misyon na tinatawag na RORE.

Naniniwala ang PCG na dalawang beses na tinutukan ng China ng green laser light ang BRP Malapascua, na nagdulot ng pansamantalang pagkabulag sa mga tripulante sa barko.

Ang barko ng China ay gumawa din ng mga bagay na mapanganib.

Sa kabila ng insidente, tinitiyak ng PCG na patuloy nilang poprotektahan ang bansa at ang mga Pilipino sa WPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *