Chinese Embassy , itinanggi ang online report sa reclamation activities sa mga unoccupied features sa Spratlys

Itinanggi ng China kahapon ang online report na nagsasagawa ito ng mga construction activities sa mga unoccupied features ng pinagtatalunang Spratly Islands.

Tinukoy ng Chinese Embassy sa Maynila ang isang artikulo ng Bloomberg.

Ayon sa ulat na may kasamang mga satellite image, ang Beijing ay nagtatayo sa ilang unoccupied land features sa spratlys  sa nakalipas na dekada, partikular sa Eldad Reef, Panata Island (kilala rin bilang Lankiam Cay), Juan Felipe Reef (kilala rin bilang Whitsun Reef), at Bailan Island (kilala rin bilang Sandy Cay).

Noong Martes ng gabi, nagpahayag ng pagkaalarma ang Philippine Department of Foreign Affairs (DFA) sa ulat, na hiniling nito sa mga kinauukulang ahensya na i-verify.

Ang tinutukoy ng DFA ay ang non-binding declaration na nilagdaan ng China at ng Association of Southeast Asian Nations noong 2002 na nagsasaad na ang mga kinauukulang partido ay dapat umiwas sa pagtira sa uninhabited islands, reef, shoals, cays, at iba pang mga tampok” sa South China Sea  para maiwasan ang lumalalang hidwaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *