Chinese Embassy itinanggi ang pagblacklist sa Pilipinas para mga Chinese tourists

Itinanggi ng Chinese Embassy sa Manila ang umano blacklisting sa Pilipinas para sa mga Chinese tourists.

Paglilinaw ng Embahada ng Chinese, na ang pronouncement ni Senate President Migz Zubiri na kabilang na umano sa blacklist ang Pilipinas sa tourist sites ay isang “misinformation.”

Ayon sa Embahada, hindi inilagay ng China ang Philippines sa blacklist para sa turismo, bilang ito ang isa sa mahalagang area of cooperation ng parehong bansa, na nakatulong para lalo pang lumalim ang long-time friendship ng mga ito.

Dagdag nito, na bago ang Covid-19 pandemic, halos dalawang milyong Chinese nationals ang bumisita sa Pilipinas noong 2019, dahilan para kilalanin ang China bilang second largest source ng turismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *