Chinese Engineer, sinentensiyahan ng 8 taon pagkabilanggo dahil sa pang-eespiya

Isang Chinese engineer ang sinentensiyahan ng walong taong pagkabilanggo dahil sa pang-eespiya para sa gobyerno ng China sa pamamagitan ng pangangalap ng mga impormasyon sa mga engineers at scientists sa United States.

Si Ji Chaoqun, isang Chinese national na pumunta sa US para mag-aral ng electrical engineering noong 2013 at kalaunan ay na-enlist sa US Army Reserves ay inaresto noong 2018.

Ang 31-taong-gulang na si Ji ay nahatulan noong Setyembre ng iligal na pagkilos bilang agent ng Ministry of State Security ng China at ng paggawa ng maling pahayag sa US Army.

Ayon sa US Justice Department, ang pag-espiya ni Ji ay bahagi ng pagsisikap ng Chinese intelligence na makakuha ng access sa mga advanced na aerospace at satellite technology na binuo ng US Companies.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *