Chinese model sa Hong Kong, pinatay, chinop-chop at ginawang sopas ng pamilya ng kanyang ‘ex-husband’

KARUMAL-DUMAL ang sinapit ng isang sikat na model at Chinese influencer sa Hong Kong na kinilalang si Abby Choi, 28-anyos matapos itong patayin, pinira-piraso ang katawan at niluto pa bilang sopas ng pamilya ng kanyang dating mister.

Batay sa ulat ng Hongkong Police, nadiskubre ang katawan ng modelo sa isang tagong bahay sa isang komunidad sa Hong Kong kung saan nagre-renta ang kanyang dating father in law.

Sa loob ng naturang bahay ay natagpuan ng mga pulis at imbestigador ang mga duguang chainsaw, meat slicer, martilyo at mga personal na gamit ng biktima gaya ng kanyang mga IDs at credit cards.

Samantala, pira-pirasong nadiskubre naman ang mga bahagi ng katawan ng top model sa refrigerator, habang ang iba ay natagpuan sa dalawang malaking kaldero na naglalaman ng sabaw at mga gulay.

Ang mas ikinabigla ng mga otoridad , natagpuan rin sa isa pang kaldero ng nilutong sopas ang ulo ng biktima kasama ang kanyang ribs o buto-buto na pinaniniwalaang bahagi ng katawan ng modelo ngunit ayon sa mga pulis ay isasailalim pa ito sa DNA testing upang makumpirma, habang patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang ibang bahagi ng katawan ng biktima.

Samantala, limang mga indibidwal ang agad na inaresto na silang itinuturong suspek sa brutal at karumal-dumal na pamamaslang.

Kabilang dito ang dating asawa ng modelo na si Alex Kwong; ang tatay at nakakatandang kapatid nito, maging ang kanilang ina at ang isa pang babae na may kinalaman rin umano sa krimen. Sa ngayon, pera ang tinitingnang ugat ng krimen ngunit patuloy na gumugulong ang imbestigasyon ng mga otoridad para mabigyan ng hustisya ang karumal-dumal na sinapit ng biktima.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *