Timbog ang Chinese national na nasa likod ng human sex trafficking na nambiktima sa dalawang babae.
Sa una, inakala ng mga biktima na ang pinuntahan nila ay modeling audition.
Pinapunta umano ang mga ito sa isang condominium building sa Parañauqe para doon magpasa ng application.
Ngunit nang makarating sa naturang unit, cellphone at mga ilaw nadatnan ng mga biktima, at Chinese national na niyaya silang makipagtalik sa harap ng camera kasama ang mga lalakeng modelo na mga underccover na pulis.
Nang makumpirmang human sex trafficking ang isinasagawa ng Chinese national, nagsidatingan na ang mga operatiba sa kwarto at tuluyang naaraesto ang suspek.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group, may kasabwat ding mga Pilipino at iba pang Chinese nationals ang nahuling suspek.
Napag-alaman na ang nahuling suspek ay labas-masok na ng bansa.
Magsasagawa din umano sila ng follow-up operation para sa ikadadakip ng mga sangkot sa naturang human trafficking.