Chinese vessels – muling nagkumpulan sa West Philippine Sea

Muli na namang namataan ang swarming, ‘o ‘yung pagkukumpol-kumpol ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.

Sa ulat ng Armed Forces Western Command (WesCom) – na-monitor umano ang nasa 30 na mga Chinese fishing vessels.

23 rito ang nakita sa Iroquios Reef, sa may ibabang bahagi ng Reed Bank.

Ang naturang teritoryo ng Pilipinas na ito ay pinaniniwalaang may mayamang oil and gas reserves.

Na-monitor din ang swarming ng nasa limang vessels sa Sabina Shoal, at dalwa naman sa Nares Bank.

Sabi ng WesCom, malinaw itong paglabag sa jurisdiction at soberanya ng Pilipinas.

Research vessels sa Benham Rise

May ilang reseach vessels daw mula sa China ang umaaligid ngayon sa eastern side ng Philippine Sea.

Ito ang sinabi ni National Security Council o NSC assistant director-general Jonatahan Malaya, kaya naman parte ng istratehiya ng bansa ang pagpapalakas ng ating maritime domain awareness.

Mayroon na rin aniyang national academic research fleet na ginagamit ang pamahalaan para pag-aralan ang mga yamang dagat sa ating EEZ.

Samantala, ipinag-utos na ni NTF-WPS chairman Sec. Eduardo Ano ang pagpapadami pa ng patrolya ng ating mga barko sa WPS.

Bukod sa mga barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard kasama rin sa pinagpapatrolya ng pamahalaan ang mga barko ng BFAR para magbigay ng tulong sa mga mangingisdang pinoy na gustong mangisda sa ating EEZ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *