Chito Miranda at Neri Naig, ibinahagi ang dahilan ng matatag nilang pagsasama bilang mag-asawa

Wala raw sinusundang formula para mapatatag ang relasyon ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig.

Sa panayam sa mag-asawa, sinabi ni Chito na talagang in love lang siya sa kanyang asawa. Natural lang aniya sa kanya na gusto niyang alagaan at pakiligin si Neri.

Inamin din ni Chito na mas nage-effort siya ngayon kay Neri. Ayon kay Miranda, hanggang ngayon ay palagi pa rin silang lumalabas ni Neri na silang dalawa lang.

Kuwento ng dalawa, matapos ang ilang taon bilang mag-asawa, normal na sa kanila ang magtalo at magkapikinunan.

Ikinasal sina Miranda at Naig noong Disyembre 2014.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *