CHO nagbibigay na ng 2nd booster sa mga frontline health workers at senior citizens

Simula na ang pagbibigay ng Olongapo City Health Office ng 2nd booster shot para sa mga senior citizen, frontline health workers at mga immunocompromised.

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, para sa mga frontline health workers kinakailangan lamang ang master list mula mga ospital na pinagtatrabahuan.

Ito ay para na rin malaman ang bilang ng paglalaanan ng bakuna para sa ikalawang booster shot.

Sa ngayon ang mga nabanggit na kategorya pa lamang ang maaring maturukan nito alinsunod sa kautusan ng Department of Health.

Samantala, ang pagbibigay ng 2nd booster shot ay gagawin rin sa SMX Convention sa SM Central.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 2 people and text that says 'from feeling sick to feeling better Power Cells Salabat Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published.