Cholera cases sa PH, tumaas ng 282% simula Jan.-Nov. 2022

Iniulat ng Department of Health na mas mataas ng 282% ang naitalang kaso ng cholera sa Pilipinas mula January 1 hanggang November 26, 2022 kumpara sa naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, mayroong kabuuang 5,860 na mga kaso ng cholera kumpara sa naitalang 1, 534 na kaso mula January 1 hanggang November 26, 2021.

Lumabas din sa data surveillance ng DOH Epidemiology Bureau na ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng kaso ng sakit sa parehong panahon ay ang Eastern Visayas na nasa 3,620.

Sumunod ay ang Davao Region na may 810 kaso , at pagkatapos ay Central Luzon na may 336 kaso.

Samantala, mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 26 lamang, mayroong 640 kaso ng cholera ang naitala.

Nanguna ang Eastern Visayas sa listahan ng mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng kaso na may  472, sinundan ng Western Visayas na may 50 kaso , at Central Luzon na may 37 kaso .

Mayroon na rin naitalang 67 nga namatay sa buong bansa. //CA (edited MPT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *