CAMARINES NORTE – Nagbabala ang Department of Health sa publiko kaugnay ng food and waterborne diseases lalo na ang cholera.
Ito raw kasi ang pinakadelikado sa lahat ng existing waterborne diseases dahil sa loob lang ng dalawa hanggang tatlong oras ay maaari itong maging dahilan ng pagkamatay ng pasyente.
Ayon kay Dr. Mildred Tianes, Medical Officer III ng Department of Health Bicol delikado ito lalo na sa mga bata.
Kabilang sa mga sintomas ng cholera ay ang pagsakit ng tiyan, pagtatae at lagnat tulad din ng iba pang waterborne diseases.
Ang kaibahan naman nito ay ito lang ang diarrhea na hindi sumasakit ang tiyan pero ang dumi ay parang hinugas ng bigas.
May mga pwedeng gawin bilang pangunang lunas lalo na kung malayo ang health facility.
Ang primary management talaga umano sa diarrhea ay rehaydration.
Maiiwasan umano ang cholera sa pamamagitan ng pag- inom ng malinis na inuming tubig, tamang paghahanda ng pagkain, hygiene and sanitation.
