Inaasahan ni Coach Chot Reyes ang kumpletong roster kapag dumating ang mga miyembro ng Gilas team na naglalaro sa ibang bansa sa susunod na linggo upang makiisa sa paghahanda para sa ikaanim at final window ng FIBA World Cup Asian qualifiers.

Kabilang sa mga ito ang Filipino cagers na na naglalarp sa Japan’s B.League na sina Dwight Ramos, Thirdy Ravena, Kiefer Ravena, Ray Parks, Jordan Heading, at Carl Tamayo.
Inaasahan ni Reyes na sa Lunes ay makukumpleto na ang Gilas team.
Si Kai Sotto na kamakailan ay pumirma sa Hiroshima Dragons sa B. League ay bahagi rin ng 24-man pool.//CA