CHR iimbestigahan ang pamamaril ng pulis sa isang teenager sa Pampanga

Nakatakdang magsagawa ng sariling imbestigasyon ang Commision on Human Rights kaugnay sa sinasabing pamamaril-patay ng isang pulis sa isang teenager sa Pampanga.

Sa inilabas na pahayag ng CHR ngayong umaga, ang motu propio investigation ay hiwalay sa naging pagsisiyasat ng mga pulis.

Ayon kay CHR Spokesman Atty. Jacqueline Ann de Guia, batay sa impormasyon nakarating sa kanilang opisina, binaril ni Police Corporal Alvin Pastorin ang 19- anyos na si Abelardo Vasquez matapos magkaroon ng pagtatalo.

Bagama’t wala pang resulta sa imbestigasyon pina-alalahanan naman ng CHR ang mga law enforcers na laging ipatupad ang maximum tolerance.

Dagdag pa nito na lahat ng law enforcement officials ay dapat marunong sumunod sa Basic Principles on the Use of Force and Firearms na nakabase sa PNP operational procedures at United Nations Congress on the Prevention of Crime and the Treatment of Offenders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *