CHR probe re: Fake ‘mass surrenders’ ng mga NPA sa Bulacan

Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa umano’y pekeng ‘mass surrenders’ ng nasa 244 na mga rebelde ng New Peoples Army (NPA) sa San Jose Del Monte, Bulacan noong April 30.

Ilan umano sa mga sumuko ay sinasabing mula sa Bayan Muna at ang urban poor organization Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).

Habang hihinintay ang resulta ng imbestigasyon, mariing hinimok ng CHR ang militar na magsagawa ng kanilang sariling parallel investigation para maverify ang katotohanan sa naturang alegasyon.

Maliban dito, bukas rin umano ang komisyon na marinig ang panig ng militar at ng gobyerno sa kanilang concern.

Sa huli, muling iginiit ng CHR ang kanilang pagkondena sa armed struggle at iba pang uri ng terorismo. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *