Lubos na sinusuportahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbibigay trabaho sa mga rehabilitated drug dependents pagkatapos nilang makumpleto ang kanilang technical-vocational education and training (TVET).
Ipinahayag ng CHR ang kanilang ang pagsuporta sa pagpasa ng dalawang panukalang batas sa Kongreso
hinggil sa TVET program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng Senate Bill No. 2276 at House Bill No. 7721.
Ayon kay Senador Jinggoy Estrada na sumulat sa Senate Bill, umabot na sa 3,865 na indibidwal ang nag-admit sa 70 rehabilitation centers sa buong bansa.
Dagdag pa ng CHR, tumaas ang bilang ng mga taong nagboboluntaryong sumailalim sa treatment and intervention dahil mas accessible na ang mga rehabilitation centers ngayon.
Umaasa ang tanggapan na sa tulong ng mga panukalang batas na ito ay mabawasan ang stigma sa mga gumagamiit noon ng ilegal na droga at mabigyan sila ng tyansa na masama muli sa lipunan at umunlad sa mapipili nilang larangan.
#