Chynna inalala ang pag-break down at pagtanggap ng payo mula sa anak

Ibinunyag ng aktres na si Cyhnna Ortaleza na minsan na siyang nakatanggap ng advice mula sa kanyang 5-taong gulang na anak na babae na si Stellar.

Sinabi ni Cyhnna na umiiyak siya noon sa loob nang tatlong oras, at tila ay nahihiwagaan si Stellar sa kanya na parang isa siyang “alien.”

Ayon kay Chynna, hindi sanay ang bata na nakikita ang ina nito na nagbre-breakdown.

Dahil diyan ay sinabi ni Cyhnna na sinabihan siya ng kanyang anak: “Mom, God is already at work. Why are you scared?”

Sinabi ng aktres na biglang humupa na ang kanyang nararamdaman matapos niya marinig ang sinabi ng kanyang anak.

Anya, naramdaman niya rin na may tama silang ginagawa sa kanilang bahay ni Kean para makatanggap ng isang 5-taong gulang na bata na may sobra-sobrang wisdom.

Matatandaan na ikinasal sina Cyhnna at Kean Cipriano sa isang civil wedding noong 2015, at sa isang church wedding noong 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *